Single ka teh?!
Chapter 1 – Hello Facebook
Sabi sa’kin, hindi ko na daw kayang mabuhay sa Ayala. E sino nga bang tatagal dito, kung anong taas ng mga building at laki ng mga mall, ang buhay dito, nakakahon. Magkakasya ka sa isang cubicle.
Sa cubicle ko, may isang junior executive chair na mataas pa sa akin. Ayos na rin, kung gusto kong matulog sa tanghali, iikot lang ako at haharap sa likod. Meron ding mobile pedestal o maliit na cabinet. Sa unang drawer nakalagay ang mga office supplies. Sa second drawer ang mga bills at sa third drawer ang mga files at doon ko rin sinisiksik ang bag ko. Dito ko pinagkakasya lahat.
May isang side table. Mahaba at malinis. Table calendar lang ang nakapatong. Sa wall naman nakadikit ang mga notes. Magkakaparehas ng kulay, hindi pwedeng iba-iba.
Sa cherry wood table nakapatong ang telepono, calculator at office laptop.May Isang picture frame lang din na nakalagay sa tabi.Sa dami ng mga kaibigan at sa laki ng pamilya namin, problema ko pa kung sino ang ilalagay ko sa picture frame, wala naman akong special someone para ilagay dito.
Sabi ko noon, aalis ako sa government service. Nakakapagod ang project namin. Ang pakikipag usap sa mga tao, masyadong madrama, masyadong makabayan, masyadong maemote. Ayoko na ng public consultation. Nang napakaraming focus group discussion, nang mga counseling at stress debriefing ng mga batang inabuso, mga biktima ng digmaan at mga nasalanta ng kalamidad.
Tao ang kausap ko noon. Iba’t –ibang klase ng tao. May malinis, mukhang mayaman, nagmamalinis, at meron ding mga tao na sila mismo nagsisisi kung bakit naging tao sa hirap ng dinaranas. Pikit matang ginawa ang trabaho ko, halos namanhid na ako sa awa, ganun pala ang pakiramdam nang paulit ulit na mababad sa mukha ng kahirapan. Kaya I QUIT.
Ngayon, halos tatlong taon sa corporate world at nagsurvive sa kahon na aking ginagalawan. Wala ni isang mukha ng kahirapan. Kausap ang papel, ang mga datos at inaanalyze ang perang lumalabas masok sa aming opisina. Kung buhay bang matatawag ito – ito ang ginagalawan ko, ang mundo ng profit at return of investment. Ang mundong tinakasan ko pagkatapos makagraduate ng accounting.
Krinnggg… kringgg…
“Yam here speaking, how may I help”
” Uy Yam, you may help me talaga, lunch out tayo, tara”
“Nikki?”
“Bakla ano veh, may iba pa bang nakakakilala sayo at nakakaalam na nagtatago ka dito sa liblib na lugar ng Paseo?”
“Gaga, hindi pwede, may board meeting bukas, may tinatapos ako”
“exactly bukas pa yan, at hindi na matutuloy yan dahil end of the world na later pag nalaman mo kung ano ang ibabalita ko, kaya dali, baba na”
“ano na naman yan”
“basta, kita tayo, nasa paseo square na ko, orderan na kita ng food”
“o siya, sige sige, punta na ko.”
Shut down agad ng computer, wala namang I ko-close na program dahil halos magdadalawang oras na rin naman siyang nakatitig lang sa laptop. Ang totoo, magtatatlong araw na siyang tulala at walang maintindihan sa mga numerong pumapasok sa database.
“o e di napatakbo ka dito, curious ka na no?”
“oo, curious ako sa bagay na magpapatigil ng board meeting namin. Shit, ayoko na Nikki, hindi ko na kaya”
“Hello, 3 years mo nang sinasabi yan e andyan ka pa rin.”
“pero this time ayoko na talaga, nasusuka na ko sa amoy ng board room, pumapasok pa lang ako at nakikita ko si guard, sumasakit na tyan ko, walang life sa loob, nakakapraning”
“okay na yan, malaki naman ang sweldo, nakakapagcruise ka nga e’
“ e kung hindi ko gagawin yun malamang nasiraan na ako ng bait. Habang tinitingnan kong bumababa ang graph ng benta namin, parang nag i- straight line ang heartbeat ng puso ko. Correlated na sila”
“Sira, kiber, hindi mo pera yan, wag ka paapekto, hindi ikaw ang nagdadala ng business, nag iinterpret ka lang.”
“Alam mo namang FF ako”
“anong FF?”
“For the firm”
“Leche, kaya ka walang FF”
“Anong ff naman yan?”
“F*cking friend”
“Hindi ko kailangan yan ngayon”
“At kelan mo kakailanganin? Pag may presyo na ang lahat ng lalaki”
“I don’t mind, by that time, im sure may pambili ako, maraming marami,naka schedule kada araw, linggo lang ang pahinga”
“Leche, e mukhang pera ka rin naman pala,,kaya hindi ka makaalis kasi nag eenjoy ka sa sweldo mo”
“Anyway hindi yun ang issue, ano bang ibabalita mo”
“Hmmmm, ready ka ate?
“na ano?”
“Na matuluyang mag straight line ang heartbeat mo”
“sus, ano nga?”
“Si FF mo, ikakasal na”
“O tapos?”
“Ang bilis magreply,parang hindi ikaw yan, scripted”
“Huh? E ano naman, e wala na naman kami”
“tesbun si girlalou, 3 mos”
“ah ok, so i just hope ikakasal sila hindi dahil nabuntis niya si girl”
“hindi mo ba itatanong kung sino ang girl?”
“sino?”
“si Kate, ang bestfriend niya.”
“ah ok”
Natahimik silang dalawa
“ayokong mag-isip.” Sagot ni Yam sa naghihintay na titig ni Nikki
“Feeling ko lang naman kasi, noon pa, nakabantay lang si Kate, pero mahal talaga niya si Andrew”
“hmmm siguro, or siguro rin hindi naman aksidente ang pagbubuntis, alam ni Kate na gustong-gusto ni Andrew na magkaanak at mag settle down na”
“Na hindi mo binigay”
“because I have my own life, I’m e.. enjoying my life”
“hindi ba contradicting yan sa sinasabi mo kanina na wala kang life sa office”
“sa office yun pero outside that 8hour job, im ok”
“I see, and I hope you’re okay”
“Ano ba? Oo naman. Saan mo naman nabalitaan ‘to”
“e di sa facebook, e kasi naman, ikaw na lang ang walang facebook,gusto mo gawan kita”
“Hindi na”
“Naku, kailangan mong magfacebook, maupdate ka man lang. Maenjoy mo ang cubicle mo”
“naku, yahoomail nga Nakablock sa office, facebook pa kaya”
“e di sa phone ka mag open. O basta mamaya gumawa ka ng account. Try mo lang. Mag e enjoy ka. Tsaka maraming applications, maraming games. Ikaw na lang ang wala, buong batchmate natin andun na, update ng update”
“si Cristy pala, may balita ka?’
“Oo, ang gwapo ng jowa at take note, bata. 19 lang.”
“Eeeewww, cradle snatcher”
“oo, at eto pa….”
Tuloy-tuloy ang kwento ni Nikki pero nakalutang na si Yam. Sa pagkakataong ito, manhid na rin ang tenga niya sa ano pang balitang matatanggap niya. Sa parking, pag start ng sasakyan, kunwari’y pinapainit ang makina, subalit ang totoo ay pinapahinga niya ang kanyang sarili. Ang kanyang kaluluwa, kasabay ng pagtulo ng luha, habang inilalabas niya ang kung anong sakit na nararamdaman niya.
Bago matulog, binuksan niya ang computer, nagfile ng online leave para mag long wekend, maglalog out na sana sa email ng may dumating na new message.
You are invited to join facebook network.
“Maaring makulong ang puso at sumuko subalit hindi ang kaluluwa pagkat hahanapin nito ang kalayaan at tunay niyang kaligayahan.”
itutuloy
Tags: angelica panganiban, corporate work, derek ramsey, facebook, gretchen baretto, moving on, office work, social work
Recent Comments
- tsina on Paalala
- tagabasa on Chapter 3 The Connection
- kaye on Chapter 3 The Connection
- rico on Paalala
- rico on author
Categories
-
Pages
Blogroll
-
FeedBurner RSS
Tags
