Posted by bernardumali on Jul 20, 2010 in
Single Ka Teh?!
“Hatid na kita” alok ni Jandi
“hindi na, maydala ako” tanggi ni Yam
“tsaka mag cocoffee pa kami” hirit ni Nikki
“tamang tama, sama na rin ako, convoy tayo” sagot ni jandi
Sa loob ng sasakyan
“ay naku, kasalanan mo yan, kung hindi mo sinabing magcocoffee tayo e di sana hindi nakabuntot yang si Jandi” sisi ni Yam kay Nikki
“Hayaan mo na, andyan na, tsaka para maupdate na rin tayo. Hindi mo ba siya namiss?”
“Huh? Bakit ko naman siya mamimiss?”
“e di ba naging kayo?”
“kelan na naging kami? Parang walang ganun”
“ay sis, iremind ko lang na naging steady kayo dati, aminin mo”
“correction po, naging fubu oo pero kung ang iniisip mo e naging kami, hindi”
“sus, ganun din yun, ayaw mo lang lagyan ng label, pero steady date and exclusive kayo nun”
“hindi nga”
“e anong hindi, e bakit nagpakaexclusive kayo”
“sandali, anong alam mo sa min?”
“na naging kayo nga, hindi ba hindi ka na nakikipag meet kung kani-kanino noon, na ..”
“wait wait wait, yes totoo na hindi na ko nakipagmeet or nakikipagmeet noon pero hindi ibig sabihin nun e naging kami, nagkataon lang na compatible kami”
“e yun naman pala e, compatible kayo, anong nangyari”
“compatible kami nun sa sex. Kaya nga fubu, kasi pag nakita mo na yung taong okay at satisfied ka sa performance, hindi na ko hahanap ng iba”
“hindi ba breakthrough siya sa buhay mo? Dapat tinuloy nyo na lang, hindi ba sya nagyaya na maging kayo”
“hmmm hindi. I think alam niya na hindi ako for relationship. Hindi ako ready nun sa commitment”
“e ngayon, ready ka na?
“hindi ko alam. Hindi ko priority”
“Sus dati ka nang ganyan, paikot-ikot na lang ang buhay mo”
“Shit ka, inaaway mo ba ko”
“hahaha hindi naman, tinutulungan lang kita magdecide”
“magdecide? At bakit kailangan kong magdecide, o basta behave ka mamaya”
“oo naman”
Medyo malayo ang parking na nakuha ni Jandi, puno na kasi ang area kung saan nagpark si Yam, kaya naman sumenyas ito na mauna na sila, maghahanap muna siya ng parking at susunod na lang.
Sa labas pumwesto si Yam at Nikki, sa smoking area. Agad naman na nakabalik si Jandi.
“ako na oorder, anong gusto nyo, ikaw Yam, dati pa rin ba?”
“Caramel Frap sa kin” hiling ni Nikki
“yup, same pa rin”
“How about desert? Something to eat?” alok ni Jandi
“blueberry cheesecake” sabay na request ni Yam at Nikki
Hindi mapakali si Jandi, halatang nacoconscious, namumula at pinagpapawisan. Pumasok naman sa comfort room si Yam para magretouch
“okay ka lang?” Tanong ni Nikki
“huh, yep, why?”
“hindi ka kasi mapakali, relax lang okay?”
“im okay, don’t worry”
“Ano yang dala mo?” tanong naman ni Yam
“alin?” balik na tanong ni Jandi “ah, nagtake out ako. Chocolate cake” sagot nya ulit
“ah ok, so musta business mo, balita ko hit na hit ang magazine mo” pagsisimula ni Yam
“Oo, nga, nagsubscribe nga ako, dagdag din sa rating nyo yan” biro ni Nikki
“salamat Nikki, alam na alam ko namang lagi kang nakasupport, eto lang si Yam ang mahirap hingan ng pabor”
“Sus, ano namang pabor, e wala ka namang hinihingi?” sagot ni Yam
“E pano ka hihingan ng pabor, wala ka naman sa sirkulasyon”banat ni Nikki
“so ano, pag usapan natin, baka sakaling makatulong ka sa’kin”
“wow job offer, kasali ba ko dyan?” pangungulit ni Nikki
“oist matagal na kitang sinabihan na lumipat sa kin, ayaw mo naman, but in case, my offer is still stands.”
“sus, alam mo namang hindi ko maiwan ang trabaho ko, ano ba ioofer mo kay Yam”
“ Marami, pwedeng senior accountant, pwedeng contributor or if you want model sa ilang photoshoot”
“E bakit ganun, sa kanya ang dami mong offer, may modeling pa, bakit sa kin hindi”
“ Fashion magazine to, hindi mo linya” balik na sagot ni Yam
“Nakakatakot naman ang offer na yan, napressure ako bigla”
“Sanay ka na naman sa pressure, and besides, makakatrabaho mo ulit si sis”
“Check ko, I think conflict of interest, hindi ako pwede mag work as accountant nyo”
“e di, contributor or magmodel ka nga”
“Joke? ano ba, hindi kaya ng powers ko yun”
“sus, alam na alam mo namang kaya mo yun.please, im sure matutuwa si Rachel ”
“ay saka na natin pag-usapan yan.”
“and hindi ka pa ba nagsasawa sa work mo, get a life”
“dyan may remedy na ko, that’s why im here, kaya nga pumasok ako sa facebook circle”
“which is an admission that youre not happy with your present work”
“I am happy, I’m just tired and bored but I am happy”
“it doesn’t show”
“bakit mukha na ba kong stress?”
“guys, guys, sorry, aling Linda texted, may emergency sa house.” Singit ni Nikki
“ano daw nangyari?” pag-aalala ni Yam
“hindi, wala naman to, tumaas daw ang blood pressure ni Mommy, una na ko, diabetic din kasi siya, kailangan andun ako at baka kung mapano”
“hatid na kita Nikki” alok ni Yam
“Naku hindi na, okay na ko. Baunin ko na lang tong frap”
“sure ka Nikki, kung gusto mo ihatid ka namin, saka na lang tayo ulit tumambay” alok naman ni Jandi
“ okay lang Jandi, kayo na muna dyan. Text text tayo ha, need to go na talaga”
Umalis agad si Nikki, nakasakay ito ng taxi na naghihintay malapit sa coffeeshop.
“hows Yam?” bungad ni Kate kay Andrew, halatang nabigla si Andrew sa tanong ni Kate. Alam na alam ni Kate ang nakaraan ni Yam at Andrew
“I think she’s okay”
“You think she’s okay? Bakit naman?
“Hindi naman kasi kami masyadong nagkausap, alam mo na, andun lahat ng barkada namin, sayang nga, wala ka. Hinahanap ka nila.
“Even si Yam?”
“ah, “
“don’t answer it, nangungulit lang ako, tinitingnan ko lang kung pano ka magrereact. Don’t worry hindi ako nagseselos”
“Ikaw talaga, wala ka naman dapat pagselosan e, engaged na tayo di ba”
“yeah”
“So hows our baby?”
“eto, lumalakas ang heartbeat.”
“Parinig nga”
Pinipilit ni Andrew na ibuhos ang atensyon kay Kate at alam niya sa sarili niya na may kulang, na hindi buo ang pagmamahal na yun.
“so lets call it a night?”
“Maaga pa”
“magmomovie marathon ako tonight, minsan lang ang weekend kaya tinitreasure ko talaga”
“Ouch, you’d rather watch tv than to be with me” pakunsyensya ni Jandi kay Yam
“Hindi naman, hindi na kasi ako sanay sa night life.”
“okay okay, pero ihahatid kita”
“Hindi na, may sasakyan nga ako, pareho tayo, alangan namang magconvoy pa tayo, uwi ka na rin”
“e di ako magdadrive para sayo. Iwan ko muna kotse ko dito”
“hindi na, umuwi ka na, baka hinahanap ka na sa inyo”
“walang maghahanap sa kin dun. Im living my own life, basta I insist, ihahatid kita”
“okay, ikaw ang bahala”
Parang kailan lang, parang nagbalik sila sa nakaraan. Ang mga pilyong ngiti sa t’wing mahihinto sil asa traffic light. Tinginang may kahulugan, tinginang mauuwi kung saan.
“So we’re here, nice place ah, bigtime ka na pala”
“hindi yan cash, nag aamortize pa ko” sagot ni Yam na tila lumambot sa pagpapakipot
“so, hindi mo ba ko itutour sa loob” magayumang pagyayaya ni Jandi. Sa pagkakataong ito, alam na ng binata na nakuha niya na ang loob ni Yam
“tara”
“okay”
“bakit bitbit mo pa yang take out mo?” Tanong ni Yam
“Chocolate cake?”
“oohhh, chocolate cake”
Walang bibig na hindi titikim ng tsokolate – oohlaalaa!!!
itutuloy…
itutuloy
Tags: chocolate, facebook
Posted by bernardumali on Jun 24, 2010 in
Single Ka Teh?!
“Nikki, stop flooding!”
“Hello, hello, ano veh, anong problema mo?”
“Yung email ko, puro na lang Nikki Macaspac tagged you a photo, Nikki Macaspac suggested a friend, Nikki Macaspac invited you to join Farmville”
“Hello, add lang ng add, kala ko naman magyayaya ka ng gimik, alas diyes ng gabi, tumawag ka para lang dyan”
“Anong ano?, napupuno ang email ko ng kung anu anong facebook invitation”
“i enjoy mo lang sis, add lang o ignore. Pwede naman pero i add mo na lang ng i add, baka sabihin nila snob ka.”
“Kailangan ba talagang may alert lagi”
“Oo noh, para updated ka, o siya sige na i explore mo na lang yan”
“tsaka bakit bigla nila akong ina add, pano naman nila nalaman na nasa facebook ako”
“Ay malamang kasi tinag kita, tapos nakita nung iba na naka tag ka na, tapos malamang na alert sila na Nikki and Yam are now friends, tapos malamang nasa suggest page ka na rin nila, ganun lang yun”
“my lord, wala na bang ginagawa ang mga tao, look, sunod-sunod ang pasok sa email ko.”
“Ibig sabihin online sila at nakita ka nila, see? excited sila na macontact ka ulit. o sige na, open mo na lang ang FB mo at explore mo na lang”
Hindi ko alam kung celebrity ako o namiss lang ako ng mga barkada ko, wala pang 24 hours, 42 friends added me in facebook. Sobrang ka oa-yan na to. At syempre, para hindi mabansagang snob, inaadd ko naman.
Pupunta ka ba? Text ni Nikki
Saan? reply nya
Sa reunion
Ayos ka rin ano, magkano ba binabayad sayo ng facebook para iupdate mo ko, pati ba naman sa text?
Join us, 5 pa lang naman kami na nagconfirm. Tomorrow na yan
Rsvp ba to?
Hehehe hindi naman, pero iclick mo din yung attending kung pupunta ka
Ah okay I’ll do it. Sabay hagis ng phone sa kama.
Ganito pala ang facebook. Isang psychotic world! Hanep sa mga profile!
Si Nikki, ang bestfriend ako. Oo, bestfriend niya ako, pero ako, to be honest, convenient friend ko lang siya, parang ganun. Ang sama ko ba? Hindi naman malalim ang samahan namin, nagkataon lang na siya ang nakabukong nasa Makati na ako nagwowork. At para hindi kumalat sa mga kaibigan, kinaibigan ko na rin. Magaling kasi sa press release to, kung meron kang gusting ipakalat, ikwento mo sa kanya. Kung gusto mong magkaroon ng people power, siya rin ang kontakin mo.
Nikki Alejandra J. Macaspac
41 common friends (parang manager ko siya at mega promote ng facebook ko, in short lahat ng lead galing sa kanya at siya ang pang 42!)
relationship. It’s complicated, (eh wala naman talagang matinong relasyon to)
hanep sa profile pic: photoshopped!
Birthday : August 17, 1980
current city : global city
bio : babae po ako!
Status message: duh!?! (ay, parang may iniintriga na naman)
Si Rachel naman, ang friend kong kulturati. Namimiss ko na to, lalo na sa mga fashion tips and updates. Mabilis ang mata nito sa pagkocorrect ng suot mo, pero hindi ka maoofend. Yan si Rachel. Cultured and fashionable.
Rachel Alcantra – Uy
Married
235 friends
Siblings Alejandro Alcantra (ex fubu ko, nakikila ko siya because of Rachel, birthday niya nun at nang lasing na kami ay nirequest ni Rachel kay Jandi – nickname niya – na ihatid ako. E syempre, san nga ba mauuwi ang isang malibog na lalaki at isang babaeng laglag panty sa mga mukhang bokalista. Longhair, tattoo, at suplado, – sa isang madilim na daan ng newly constructed subdivision! Nang gabing yun, nalaman ni Jandi na may silbi din pala sa buhay niya ang nagger niyang ate, pag nalalasing.)
Work : fashion consultant
Motto : it’s a sin not to be beautiful
Music : fashionista
Interest: magazine and ukay ukay galore- most effective therapy
Ang woman of contradiction – si Cristy. Catholic ang mom niya at Muslim ang dad niya.
Pero siya, agnostic
Cristy Amir Guinto
Single
December 25
Religion : Agnostic
Politics : strictly politics (walang sense talaga ‘tong tao na)
Likes : Thai, Pasta, Indian food and boys (weird talaga ng mga likes, walang relasyon sa kinalakihang relihiyon at kaya naman pala bata ang boyfriend– take note BOYS)
Interested in men and women ( dati siyang SG – sando gang, in short tibo! Quiet lang ha)
Kung merong pinagkakautangan ng loob ang halos lahat ng magkakaibigan dahil pumasa sa calculus, eto ay si Carlos.
Carlos Morales
Single (since birth ata, pano naman, exact opposite to ni Carlos Morales, sobrang payat, kapal ng salamin, 4 11’ ang height at bad breath! Sabi ni Cristy hindi pa daw to tuli pero ang tsimak, matulis daw to, payat na matulis as in 4 11’!!!)
Interest : astronomy ( i swear kabisado niya ang mga galaxy at constellation! Pati number of days in a year ng bawat planet sa solar system natin at pati mga table ata sa statistics)
Likes : pets ( ang pets niya weird din – Tarantula, snakes, iguana, pero infairness consistent siya, planets ang name niya sa mga pets niya. Example, Venus ang pangalan niya sa isa niyang snake, for him maganda daw kasi, yung iguana niya Mars ang pangalan, kulay red kasi at maraming spot. Yung tarantula niya ang pangalan naman ay Pluto, pagnatutulog, nakabilog na para daw planet Pluto. Meron din siyang isdang parang bullhead, ang pangalan naman Saturn at yung ant eater niya, Jupiter naman!)
Ang crush ng bayan - si Migz. Varsity Player ng Taekwondo. Nagbabasketball din. Malinis at laging mabango. Mahilig sa puti. Laging color white ang damit.
Justine John ‘Migz’Aristorenas
Friends 3,354 (amazing di ba? hindi naman artista)
Photos : party at brazil ( hanep, ang gwapo ng mga kabarkada, sa bagay sabi nga, Brazilians are gift of God to mankind)
Likes: photography, party, travel
Status message : burning on the dance floor
Religion : ecumenical
Likes: perfume, leather,
Ang wall, puro tag ng pictures ng friends, and Oh My God, muscled men.
Hmmmm
Something fishy
Fit clothes, pictures of muscled men, thousand of friends, leather!?
Quiet lang si Rina. Unique beauty pero magaling makisama.
Rina Sotto
Married to Kraig Will
Children : Andre Sotto, kate Sotto, Jonas Will
Location : Makati ( balita ko, expat ang napangasawa ni Rina, isang bigtime expat from US, walang masyadong info kasi nga may security concerns ang hubby niya)
Ang bida lagi – bida siya sa mga kwento niya at pulutan sa mga gimik namin sa twing wala siya.
Kharmz Manalo
Friends 2,891
Looking for : friendship
Siblings : Sienna Manalo – Pascual, Allen Manalo, Ricky Manalo, Rommel Manalo,
School : Tenement Elementary School, Paranaque National High School, ACSAT, STI,
Religion : Roman Catholic
Political views : Right leaning
Likes : ung ind3 pow md@ld@l, ind3 m@kuhl8
Music: Pop, opm, hiphop, alternative, classical
Motto: lyfz wh@t w3 mak3 8!!!
Status: single
Age: 29
Birthplace : manila
Interests: fashion, music, books, watching tv, watching movies, playing badminton, dancing and conversation
Employer : Sykes, People Support, Convergys, Dell, Standard Chartered (wow, call center lahat? Hindi halata)
Bio: k@u n@ l@ng pow @ng m@gjudg3
Status message: pl3333@s3 pow, stop st@lk!ng m3! ( wapak!)
Ayoko sanang tingnan pero sa may isang post na nag-attract ng napakaraming comments
Kate Pena
January 1
School : St. Paul QC
Employer: deutsche bank
Likes : LV
Status message: bedrest, never been happy, thank you Lord for the sweet blessing of life.
Relationship : engaged to Andrew Bulacan
(syempre hindi ko na binasa ang comments at napaclick na lang kay Andrew)
Andrew Bulacan
Walang info except sa
Relationship: engaged to Kate Pena
May dalawa akong choice, I click ulit si Kate or iclose na ang Facebook.
Ito lang ang time ko na makapagpahinga at makapagrest, kung hahayaan ko na maapektuhan ako at mastress, off ko na lang ang laptop.
Marami pa sana akong gustong silipin, nakakatuwa, ang facebook, para palang class picture na may kasamang resume, or parang naaupdate na yearbook.
Pero come to think of it, ano nga bang dahilan kung bakit kailangang mag update? For network? May mga business ba sila na kailangang ipromote or bakit parang lahat gustong ipromote ang sarili nila. Image marketing ba ang facebook?
At ngayon naman, may invitation – reunion ng magkakaibigan. Ayoko sanang pumunta. Nagpakita na nga ako online, tama na yun. Alam ko kahit ilang years na ang nakakalipas, mapag uusapan pa rin nila yun. At hindi pa nila nalilimutan ang mga nangyari.
Wala naman talaga akong pakialam. Pero ayoko lang yung pakiramdam na parang hindi sila makapagkwento pagkaharap ako, parang laging careful. May topic na iniiwasan.
Pero sige na nga, bukas pupunta ako, nakapagconfirm na rin naman ako tsaka tama si Andrew, hindi ko kontrolado ang sasabihin o iniisip nila at mas makakawala ako sa suffocation ng mundo ko pag unti-unting tinanggal ko ang mga issues ko.
Youre here! So nice to see you? Bati agad ni Rachel
Ang lakas ko kay Yam di ba ? Bida naman ni Nikki na laging gustong ma associate kay Yam
Of course, kung hindi dahil sayo e di ako pupunta, i know naman na you wont disappoint me sagot ni Yam na ikinangiti ni Nikki na parang kinabahan at tumingin agad kay Rachel
Tara, andun na sila sa loob yaya agad ni Rachel
Pumasok na sila sa bar, sa isang sulok na medyo madilim nagkakatuwaan ang mga tao, kantsawan at mukhang nakadalawang round na ng beer
Hi Yam,
Oh My God! Finally nagpakita ka
Shit Yam, ang ganda mo na
Saan ka ba nagsusuot
Uy Yam, update mo kami, dali
Hindi agad nakapagsalita si Yam, isang kurot ang binigay niya sabay bulong kay Nikki
For the first time, dinisappoint mo ko, kala ko ba lima lang tayo?
Sorry Yam, akala ko rin, e nung nagclick ka na you’re attending, biglang nagsipag confirm sila lahat, special yang mga ex boylets mo
Shit Nikki, tangina, tama ba nakikita ko, anong ginagawa nila dito
Cool lang. Relax lang
Yam, habol ka agad bati ni Jandi, sabay abot ng beer at dampi sa kamay na may kahulugan
Umupo siya sa tabi ni Rachel, tatabi sana si Carlos, ang ex rin nya pero tinabihan agad siya ni Nikki at bumulong
Sige na, save na kita, makabawi man lang
Nikki, next time, kung mag oorganize ka sana sinabi mong ex party, langya puro ex ko to e.
Sorry talaga, sakyan mo na lang.
So san ka na connected ngayon? Tanong ni Rina
Dyan lang sagot agad ni Yam
Uy mukhang bigating company at ayaw idisclose biro agad ni Rina
Hindi naman. Sa isang accounting firm, medyo boring job kaya wag na nating pag usapan
Balita ko pag boring job compensated naman daw biro ni Rachel na medyo seryosong nakatitig kay Yam. Sinusubukang makipag usap ng mata sa mata. Lumayo naman agad ng tingin si Yam
Oh, boring kasi wala sa definition of terms ng accounting ang flirting, sex at orgasm. Kung pwede sanang isubsitute ang word na Increase ng Erection, Feasibility isubstitute Foreplay, Profit ng Satisfaction, Balance Sheet ng 69 or Mutual Gratification at Recession ng Cool down waiting for next erection – ROUND 2!
Hagalpakan ang lahat
Hindi ka parin nagbabago bati ni Cristy
Because while we age, we understand life and sex, and its relationship with each other
Ay tama yan, based on the recent study, pampabata daw ang sex singit agad ni Kharmz
San mo naman nakuha yan? Tanong ni Nikki
Sa Cosmo sagot agad ni Kharmz na parang proud na proud.
Uy very credible ah biro ni Lorenz na halatang naiilang nang dumating si Yam. Ang lalaking naging boyfriend ng bayan. Naging BF ni Rachel na naging BF ni Nikki na napunta kay Shiela na nasa ibang bansa na at halos ng lahat except kay Cristy at Yam. Except kay Cristy dahil same age sila at except kay Yam dahil hindi siya nag enjoy sa first encounter nila.
Patay na patay si Lorenz nun kay Yam. Pero walang effect ang pagpapacute at pagiging snob niya. Ginawa niya na ang lahat ng pagpapacute pero hindi ang tipo niya ang magugustuhan ni Yam. Minsan, dahil napansin nila na kiss and tell si Lorenz, sa t’wing makikipagrelasyon kasi to ay kinukwento niya ang kanyang mga experiences with his previous relationship, nagpagtripan nilang itry si Lorenz. Sa madaling salita, exchange of notes sila Rachel, Nikki at ng iba pa nilang mga kaibigang pumatol kay Lorenz nang hindi alam ni Lorenz na siya lagi ang topic. Tumigil ang pagiging kiss and tell matapos patulan ni Yam ang invitation ni Lorenz.
Siguro nga ay si Yam na ang worst memory ni Lorenz at si Yam ang may hawak sa kwelyo ni Lorenz. Gayunman, never kinuwento ni Yam sa tropa kung bakit nanahimik si Lorenz. Walang nakaalam na sa kabila ng ganda ng katawan, bango at pagpapakamacho effect ni Lorenz, hindi nito nakuha si Yam ng sa unang dampi pa lang ng kanilang labi ay pumutok na ito at hindi umabot sa sukdulan. Si Yam na nga yata ang karma ni Lorenz!
Sa pagkakaalam ng lahat, alak ang paraan para makalimutan at magbalik ang dating samahan, kaya nitong ibalik ang kwentuhan ng dating mga nanlamig na magkakaibigan, kaya rin nitong ibalik ang ngiti sa mga nagkagalit pero hindi pala nito kayang itago ang pakiramdam ng pusong nagmamahal.
Dumating si Andrew. Kahit anong ingay, sa pandinig ni Yam, tumahimik at naging pipi ang lahat. Parang nawalan siya ng pandinig, nawalan din siya ng pakiramdam.
- Kahit hindi tayo pantay, lahat tayo may katapat. Ito ang buhay, may kaya kang itumba at mayroon sayong magpapatumba. Masakit kung akala mo ayos kayo sa kama pero ang hindi mo napansin, kontrolado ka na niya. Ang unang umibig, talo.
itutuloy
itutuloy
Tags: casual sex, facebook, pre marital sex, social network, women empowerment
Posted by bernardumali on Jun 16, 2010 in
Single Ka Teh?!
Chapter 1 – Hello Facebook
Sabi sa’kin, hindi ko na daw kayang mabuhay sa Ayala. E sino nga bang tatagal dito, kung anong taas ng mga building at laki ng mga mall, ang buhay dito, nakakahon. Magkakasya ka sa isang cubicle.
Sa cubicle ko, may isang junior executive chair na mataas pa sa akin. Ayos na rin, kung gusto kong matulog sa tanghali, iikot lang ako at haharap sa likod. Meron ding mobile pedestal o maliit na cabinet. Sa unang drawer nakalagay ang mga office supplies. Sa second drawer ang mga bills at sa third drawer ang mga files at doon ko rin sinisiksik ang bag ko. Dito ko pinagkakasya lahat.
May isang side table. Mahaba at malinis. Table calendar lang ang nakapatong. Sa wall naman nakadikit ang mga notes. Magkakaparehas ng kulay, hindi pwedeng iba-iba.
Sa cherry wood table nakapatong ang telepono, calculator at office laptop.May Isang picture frame lang din na nakalagay sa tabi.Sa dami ng mga kaibigan at sa laki ng pamilya namin, problema ko pa kung sino ang ilalagay ko sa picture frame, wala naman akong special someone para ilagay dito.
Sabi ko noon, aalis ako sa government service. Nakakapagod ang project namin. Ang pakikipag usap sa mga tao, masyadong madrama, masyadong makabayan, masyadong maemote. Ayoko na ng public consultation. Nang napakaraming focus group discussion, nang mga counseling at stress debriefing ng mga batang inabuso, mga biktima ng digmaan at mga nasalanta ng kalamidad.
Tao ang kausap ko noon. Iba’t –ibang klase ng tao. May malinis, mukhang mayaman, nagmamalinis, at meron ding mga tao na sila mismo nagsisisi kung bakit naging tao sa hirap ng dinaranas. Pikit matang ginawa ang trabaho ko, halos namanhid na ako sa awa, ganun pala ang pakiramdam nang paulit ulit na mababad sa mukha ng kahirapan. Kaya I QUIT.
Ngayon, halos tatlong taon sa corporate world at nagsurvive sa kahon na aking ginagalawan. Wala ni isang mukha ng kahirapan. Kausap ang papel, ang mga datos at inaanalyze ang perang lumalabas masok sa aming opisina. Kung buhay bang matatawag ito – ito ang ginagalawan ko, ang mundo ng profit at return of investment. Ang mundong tinakasan ko pagkatapos makagraduate ng accounting.
Krinnggg… kringgg…
“Yam here speaking, how may I help”
” Uy Yam, you may help me talaga, lunch out tayo, tara”
“Nikki?”
“Bakla ano veh, may iba pa bang nakakakilala sayo at nakakaalam na nagtatago ka dito sa liblib na lugar ng Paseo?”
“Gaga, hindi pwede, may board meeting bukas, may tinatapos ako”
“exactly bukas pa yan, at hindi na matutuloy yan dahil end of the world na later pag nalaman mo kung ano ang ibabalita ko, kaya dali, baba na”
“ano na naman yan”
“basta, kita tayo, nasa paseo square na ko, orderan na kita ng food”
“o siya, sige sige, punta na ko.”
Shut down agad ng computer, wala namang I ko-close na program dahil halos magdadalawang oras na rin naman siyang nakatitig lang sa laptop. Ang totoo, magtatatlong araw na siyang tulala at walang maintindihan sa mga numerong pumapasok sa database.
“o e di napatakbo ka dito, curious ka na no?”
“oo, curious ako sa bagay na magpapatigil ng board meeting namin. Shit, ayoko na Nikki, hindi ko na kaya”
“Hello, 3 years mo nang sinasabi yan e andyan ka pa rin.”
“pero this time ayoko na talaga, nasusuka na ko sa amoy ng board room, pumapasok pa lang ako at nakikita ko si guard, sumasakit na tyan ko, walang life sa loob, nakakapraning”
“okay na yan, malaki naman ang sweldo, nakakapagcruise ka nga e’
“ e kung hindi ko gagawin yun malamang nasiraan na ako ng bait. Habang tinitingnan kong bumababa ang graph ng benta namin, parang nag i- straight line ang heartbeat ng puso ko. Correlated na sila”
“Sira, kiber, hindi mo pera yan, wag ka paapekto, hindi ikaw ang nagdadala ng business, nag iinterpret ka lang.”
“Alam mo namang FF ako”
“anong FF?”
“For the firm”
“Leche, kaya ka walang FF”
“Anong ff naman yan?”
“F*cking friend”
“Hindi ko kailangan yan ngayon”
“At kelan mo kakailanganin? Pag may presyo na ang lahat ng lalaki”
“I don’t mind, by that time, im sure may pambili ako, maraming marami,naka schedule kada araw, linggo lang ang pahinga”
“Leche, e mukhang pera ka rin naman pala,,kaya hindi ka makaalis kasi nag eenjoy ka sa sweldo mo”
“Anyway hindi yun ang issue, ano bang ibabalita mo”
“Hmmmm, ready ka ate?
“na ano?”
“Na matuluyang mag straight line ang heartbeat mo”
“sus, ano nga?”
“Si FF mo, ikakasal na”
“O tapos?”
“Ang bilis magreply,parang hindi ikaw yan, scripted”
“Huh? E ano naman, e wala na naman kami”
“tesbun si girlalou, 3 mos”
“ah ok, so i just hope ikakasal sila hindi dahil nabuntis niya si girl”
“hindi mo ba itatanong kung sino ang girl?”
“sino?”
“si Kate, ang bestfriend niya.”
“ah ok”
Natahimik silang dalawa
“ayokong mag-isip.” Sagot ni Yam sa naghihintay na titig ni Nikki
“Feeling ko lang naman kasi, noon pa, nakabantay lang si Kate, pero mahal talaga niya si Andrew”
“hmmm siguro, or siguro rin hindi naman aksidente ang pagbubuntis, alam ni Kate na gustong-gusto ni Andrew na magkaanak at mag settle down na”
“Na hindi mo binigay”
“because I have my own life, I’m e.. enjoying my life”
“hindi ba contradicting yan sa sinasabi mo kanina na wala kang life sa office”
“sa office yun pero outside that 8hour job, im ok”
“I see, and I hope you’re okay”
“Ano ba? Oo naman. Saan mo naman nabalitaan ‘to”
“e di sa facebook, e kasi naman, ikaw na lang ang walang facebook,gusto mo gawan kita”
“Hindi na”
“Naku, kailangan mong magfacebook, maupdate ka man lang. Maenjoy mo ang cubicle mo”
“naku, yahoomail nga Nakablock sa office, facebook pa kaya”
“e di sa phone ka mag open. O basta mamaya gumawa ka ng account. Try mo lang. Mag e enjoy ka. Tsaka maraming applications, maraming games. Ikaw na lang ang wala, buong batchmate natin andun na, update ng update”
“si Cristy pala, may balita ka?’
“Oo, ang gwapo ng jowa at take note, bata. 19 lang.”
“Eeeewww, cradle snatcher”
“oo, at eto pa….”
Tuloy-tuloy ang kwento ni Nikki pero nakalutang na si Yam. Sa pagkakataong ito, manhid na rin ang tenga niya sa ano pang balitang matatanggap niya. Sa parking, pag start ng sasakyan, kunwari’y pinapainit ang makina, subalit ang totoo ay pinapahinga niya ang kanyang sarili. Ang kanyang kaluluwa, kasabay ng pagtulo ng luha, habang inilalabas niya ang kung anong sakit na nararamdaman niya.
Bago matulog, binuksan niya ang computer, nagfile ng online leave para mag long wekend, maglalog out na sana sa email ng may dumating na new message.
You are invited to join facebook network.
“Maaring makulong ang puso at sumuko subalit hindi ang kaluluwa pagkat hahanapin nito ang kalayaan at tunay niyang kaligayahan.”
itutuloy
Tags: angelica panganiban, corporate work, derek ramsey, facebook, gretchen baretto, moving on, office work, social work